Ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro ang tinatayang Php637,500 financial assistance kasabay ng pagdiriwang ng 17th Araw ng Barangay Manurigao sa Barangay Manurigao, New Bataan, Davao de Oro nito lamang ika-14 ng Hulyo, 2024.
Saad ni Davao de Oro Governor Dorothy M. Gonzaga, ang halagang nabanggit ay magsisilbing dagdag na pondo para sa mga operasyon at iba pang serbisyo para sa mga residente.
Maliban pa rito ay namigay rin ng 500 food packs, gamot at sabon na labis na nakapagbigay saya sa mga benepisyaryo.
Inaasahang sa pamamagitan ng mga aktibidad ay maihahatid ng gobyerno ang walang-sawang malasakit at serbisyong nararapat sa publiko.
Ang aktibong kooperasyon ng komunidad ang magiging susi upang magtagumpay ang mga programa ng gobyerno na may iisang layuning na mapanatili ang kapayapaan tungo sa kaunlaran.