Ang ipinagmamalaking White Island ay patuloy na dinarayo ng mga turista sa Camiguin.

Ang White Island ay number one tourist spot kung saan matatagpuan ang napakagandang tanawin sa Brgy. Yumbing, Mambajao, Camiguin.

Ito ay may iba’t ibang aktibidad sa dagat tulad ng sunbathing, snorkeling at masaksihan mo ang sunrise, sunset at makikita mo ang Mt. Hibok-Hibok.

Isa ito sa mga dinadayo na tourist spots sa Northern Mindanao kahit na may kalayuan ito mula sa sentro o munisipalidad dahil sa kanyang natural na kagandahan ng isla at malinaw na tubig.

Ang pagpunta sa isla na ito ay nakakawala ng pagod at nagbibigay ng magandang karanasan sa mga bisita.

Pwede ring magkaroon ng pre-nup or photoshoots lalo na sa mga gustong mag-swimming o mahilig sa dagat.

Subalit, maingat pa rin ang Camiguin Local Government at mga tour operators na tiyakin ang kaligtasan ng mga turista habang pinapahalagahan ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at ng isla.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *