Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Sitio Kiagbaan, Barangay Kinablangan, Baganga, Davao Oriental nito lamang Hulyo 22, 2024.
Kinilala ni Police Major Gladden S Manzano, Acting Force Commander ng 1st Davao Oriental Provincial Mobile Force Company, ang sumuko na si alyas “Rex”.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga iba pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang mahal sa buhay.