Nailigtas ang apat na babae sa isinagawang anti-illegal trafficking operation ng mga awtoridad sa Bongao Sea Port, Brgy. Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi noong ika-21 ng Hulyo 2024.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang apat na biktima ng human trafficking.

Ayon sa PNP, ang mga biktima ay lulan ng barkong “ML NIKKI” mula Jolo Sulu, patungong Bongao, Tawi-Tawi at didiretso sana sa Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng backdoor channel.

Sumailalim na sa counselling at stress debriefing ang apat na biktima.

Patunay na ang PNP ay mas pinaigting ang kampanya laban sa human trafficking at mapanagot ang human trafficker na nasa likod nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *