Humigit 600 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nakatanggap ng serbisyo sa isinagawang Serbisyong Iliganon Caravan at Oplan Visitation sa Bureau of Jail Management and Penology ng Lokal na Pamahalaan ng Iligan City nito lamang Hulyo 30, 2024.

Ang programa ay inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Iligan City kung saan nagsagawa ng installation ng generator set at pagsasagawa ng Alternative Learning Center (ALS) Building sa loob ng BJMP.

571 na lalaki na mga PDLs at 48 na babaeng PDLs ang naging benipisyaryo ng mga programa na hatid ng serbisyong Iliganon caravan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Chief Inspector Carlo Obrique, Jail Warden ng BJMP – Iligan City at mga Persons Deprived with Liberty sa serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Iligan City na tiyak makatutulong sa mga PDLs habang nasa loob ng piitan at mas maging handa sa kanilang pagbalik sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *