Sumalang sa isang hands-on Program ang mga taga Fisherfolk Association sa paggawa ng Spanish-style Sardines sa Barangay Tablon, Cagayan de Oro City nito lamang ika-30 ng Hulyo 2024.

Sa pangunguna ng Agricultural Productivity Operations Office (APOO) sa pamumuno ni Engr. Paterno Gonzales, Fisheries and Agribusiness Division at Barangay council ng Tablon, nag resulta ng matagumpay na aktibidad.

Kasama sa pagsasanay na ito ang mga training kits na nilikha at ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Rolando `Klarex’ Uy.

Layunin ng programa na maturuan ang mangingisda kaugnay sa tamang pagproseso ng isda upang ang kanilang mga produkto at oportunidad sa pamilihan ay higit pang mapaunlad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *