Mahigit 500 aplikante ang lumahok sa Job Fair 2024 na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) sa Gaisano City Mall, Iligan City nito lamang ika-1 ng Agosto 2024.
Ayon kay Criste O. Perfecto, ang Lanao del Norte Provincial Head ng DOLE, nagsagawa ng job fairs ang PESO para magkaroon ng economic activity ang lungsod. Nasa 24 na kumpanya ang may mga bakanteng posisyon.
Magkakaroon din ng One-Stop Shop sa Job Fair 2024 para madaling makakuha ng mga dokumento ang mga aplikante mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), DTI, SSS, Pag-ibig, Philhealth, at Department of Migrant Workers na kailangan sa pag-apply.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa parehong mga employer at aplikante na makahanap ng mga pagkakataon at matugunan ang kani-kanilang pangangailangan.