Masayang ipinagdiwang ng Lungsod ng Kidapawan ang 50th Nutrition Month Culmination program sa Kidapawan City Gymnasium nito lamang ika-31 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ito ng City Health Office o CHO sa pakikipagtulungan na rin ng City Nutrition Committee ng LGU-Kidapawan. Ang tema ng pagdiriwang ang “Sa Philippine Plan of Action for Nutrition sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa lahat”, na naglalayong bigyan ng malusog na pangangatawan ang bawat mamayan.

Lumahok dito ang mga Barangay Nutrition Scholars o BNS mula sa 40 mga barangay sa lungsod, na may pare parehong adhikaing matulungan ang kanilang mga ka-barangay sa mga hakbanging mapanatali ang malakas at maayos na kalusugan.

Bahagi ng programa ang mga aktibidad na nagpakita sa galing ng mga BNS at mga pamilyang nakiisa sa isinagawang Nutri Cooking Contest, Family Poster Making Contest, Nutri-booth, at maging ang Gulayan sa Tugkaran.

Personal ring nakilahok at nagbigay ng kanyang suporta si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa mga BNS. Handog ni Mayor Pao ang magandang balita sa kanila, dahil sa dagdag na omento sa kanilang honorarium, aasahan na sa susunod na taon nasa P3,300.00 na ang matatanggap ng bawat BNS bukod pa sa travel allowance na ibinibigay sa kanila quarterly.

Patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay suporta at serbisyo sa pagsisikap na mapanatiling malusog at fit ang pangangatawan ng kanilang nasasakupan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *