Nagpadala ng isang team ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa Sacol Island upang magsagawa ng diyalogo at konsultasyon para matugunan at mapakinggan ang mga hinaing ng mga residente mula sa island barangays ng lungsod nito lamang Hulyo 31, 2024.

Pinamunuan ni Executive Assistant William Mariga at ng Barangay Affairs Division ang pagbisita sa barangay Pasilmanta, Busay, Landang Laum, at Landang Gua na siyang apat na pangunahing barangay ng naturang isla.

Base sa isinagawang assessment, ilan sa mga agarang pangangailangan ay ang pagpapatayo ng barangay hall sa iilang mga barangay, panibagong gusali ng paaralan, at ang pagkakaroon ng access ng mga residente sa mga mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.

Naging posible ang pagbisita ng nasabing team sa island barangays ng lungsod sa tulong ng Philippine Coast Guard.

Layon ng pagbisita na makabuo ng mga programa, proyekto, at mga aktibidad na magpapabuti sa kondisyon ng pamumuhay ng mga residente sa mga nasabing lugar.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *