Tumanggap ng Social Pension mula sa mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development XII ang mga kwalipikadong senior citizens ng Tacurong City nito lamang ika-20 ng Agosto 2024.

Sa pangunguna ng Office for Senior Citizen’s Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Rosa M. Sucaldito, katuwang ang City Social Welfare and Development (CSWD) na pinamumunuan ni CSWD Officer Nancy M. Bawe, RSW, Social Worker Officer na si Danilo T. Lepalim, RSW at ng DSWD XII.

Mahigit 6,200 senior citizens mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Tacurong City ang nakatanggap ng tig P3,000.00 na social pension sa ilalim ng Payout Distribution para sa ikatlong quarter ng 2024 mula sa DSWD XII.

Ang programang ito ay para sa mga matatanda na may edad 60 taong gulang pataas, may karamdaman o kapansanan, at hindi tumatanggap ng pensyon mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Layunin ng programa na magbigay ng karagdagang suporta sa mga senior citizens upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *