Nakiisa ang City Mayor’s Office sa isinagawang Serbisyo Caravan handog ng Pamahalaang Lungsod ng Davao sa pagdiriwang ng 28th Araw ng Barangay Mapula, Davao City nito lamang Agosto 27, 2024.

Ang naturang aktibidad ay ginanap sa covered court ng nasabing barangay kung saan ay kabilang sa mga nasyunal at lokal na ahensya ng gobyerno na nakiisa ay ang City Health Office, City Legal Office, City Planning and Development Office, City Treasurer’s Office, City Transport and Traffic Management Office, Lingap at iba pa.

Layunin ng programang ito na libreng matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa buong lungsod pagdating sa mga pangangailangan gaya na lamang ng medikal, legal at iba pa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *