Pinakawalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region IX ang kabuuang 96 na Hawksbill Sea turtles sa Dahinob Pawikan Rescue Center sa Roxas, Zamboanga del Norte noong Agosto 27, 2024.

Pinamunuan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Manukan at ng kinatawan ng Philcement ang pagpapalaya sa mga pawikan sa naturang lugar. Ang bagong pisang mga pawikan ay mula sa 125 mga itlog na inilipat noong buwan ng Hunyo nitong taon patungo sa nasabing rescue center upang mapataas ang tyansa ng survival rate ng mga ito.

Ang Hawksbill Sea Turtle ay isang critically endangered na species ng pawikan at pinoprotektahan ito sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”. Patuloy din na nakikipagtulungan ang Philcement sa CENRO Manukan upang pagtibayin ang sea turtle conversation na kapabilidad ng Dohinob Pawikan Hatchery and Rescue Center sa naturang probinsya.

Patuloy din ang panawagan ng DENR sa publiko na magtulungan at magkaisa sa pag-protekta ng mga pawikan sa pamamagitan ng pag-ulat ng anumang iligal na aktibidad sa mga kinauukulang otoridad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *