Nag-abot ng tulong ang Project TABANG sa mga pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Simone, Old Kaabakan, Special Geographic Area nito lamang ika-12 ng Setyembre 2024.

Agad na pinadala ng Project TABANG Manager ang kanyang Rapid Action Team para magpamahagi ng mga ayuda na kinabibilangan ng tig-25 na kilo ng bigas, food packs, sets ng kitchenwares, emergency kits, plastic plates, plastic cups, stoves, utensils, kettles, cooking pots, trapal, blankets, mats at flashlights na makakatulong sa mga pamilya at biktima ng sunog.

Ang ganitong uri ng programa ay may layuning makatulong sa mga mamamayan na naapektuhan ng mga sakuna at kamalidad upang makabangon mula sa insidente.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *