Sa mismong araw ng kanyang kaarawan, libo-libong mga Pilipino kabilang na ang mga Cotabateño, ang labis na pinasaya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa sabayang pamamahagi ng iba’t ibang tulong at ayuda sa mga pamilya at sektor na lubos na nangangailangan, na ginanap sa Barangay Amas, Kidapawan, Cotabato nito lamang ika-12 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFF) ang naturang pamamahagi ng mga tulong pinansyal kabilang ito sa programa ng pamahalaan na “Handog ng Pangulo, Serbisyong sapat para sa lahat”.
Kasama ang kinatawan ni Pangulong Marcos, Jr. na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, at iba pang mga panauhin.
Pinagkalooban ng tig Php10,000.00 bawat isa ang 649 beneficiaries na nagmula sa iba’t ibang lokalidad ng Cotabato at mapalad na nabahagian ng tulong o katumbas ng Php6.490M.
Kabuuang 4,800 na mga Cotabateño ang pinaglaanan ng P50M na pondo ni Pangulong Marcos Jr., para sa nasabing programa kung saan 10 sa bawat barangay sa lalawigan ang naging benepisyaryo.
Una nang namahagi nito sa 1st batch of recipients na abot sa 4,188 sa pagbubukas ng Kalivungan Festival ng Cotabato nito lamang Agosto 26, 2024.
Kasabay ng pamimigay ng tulong para sa mga mangingisda ay ang distribusyon din ng tig-P5,000.00 Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) para sa may 1,549 na Pikiteñong magsasaka ng palay o may kabuoang halaga na P7.745M na sinimulan nang ipinamahagi kahapon, Huwebes ika-12 ng Setyembre sa loob ng kapitolyo.
Isang taos-pusong pasasalamat din ng pamahalaan ng Cotabato dahil sa tulong na patuloy na natatanggap ng probinsya lalo na ang mga programang ipinapatupad ng administrayon ni PBBM upang mapalakas pa at mapaunlad ang sektor ng magsasaka at industriya ng agrikultura sa buong bansa.
