Aabot sa kabuuang P71-M na halaga ng Health Emergency Allowance (HEA) ang ipinamahagi sa mga health worker at frontliner na naglaan ng serbisyo noong Covid-19 pandemic sa lungsod ng Zamboanga noong Setyembre 12, 2024.
Pinamunuan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, ang isinagawang payout sa Tetuan Coliseum kamakailan kung saan nasa higit 1,600 mula sa nasabing sektor ang nakatanggap ng kanilang HEA.
Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Miravite, ang allowance o HEA na natanggap ng mga benepisyaryo ay nakabase sa risk of exposure na minamandato sa ilalim ng panuntunan ng DOH.

Kada buwan para sa mga napapabilang sa ‘high risk’, P6-K kada buwan para sa mga nasa moderate risk, habang P3-K naman kada buwan para sa mga kabilang sa low risk.
Matatandaan, sa tulong ng alkalde ay na-download ng Department of Health Regional Office IX ang huling tranche ng unpaid Covid-19 HEA na nagkakahalagang P148-M para sa higit 2,000 health workers ng lungsod.
Ang HEA ay nakabase sa Republic Act 11712 kung saan minamandato ang nagpapatuloy na benepisyo at mga allowance para sa mga public at private health worker na naglaan ng serbisyo noong Covid-19 pandemic at iba pang public health emergencies sa hinaharap.
Photos by: Zamboanga City Government public Information Office
