Ang Grand Mosque ng Cotabato City o kilala rin bilang Sultan Haji Hassanal Bolkiah Masjid, ay ang pinakamalaking mosqueo sa Pilipinas na matatagpuan sa Barangay Kalanganan Dos, Cotabato City at naging isa sa mga simbolo ng Islam at pagkakakilanlan ng mga Muslim sa Mindanao.

Ang Grand Mosque ay itinayo noong 2011 at pinangalanan sa Sultan ng Brunei na si Sultan Haji Hassanal Bolkiah, na isa sa mga pangunahing nagbigay ng pondo para sa proyekto dahil sa tulong ng Sultan at iba pang donasyon, naitayo ang mosque bilang isa sa pinakamalaking mosque sa Timog-Silangang Asya.

Ang mosque ay dinisenyo ng mga arkitektong Filipino at pinondohan ng humigit-kumulang Php200 milyon na tulong mula sa pamahalaan ng Brunei.

Ang proyekto ay isa ring simbolo ng pagkakaibigan at pagtutulungan sa pagitan ng mga bansang Muslim at ng Pilipinas.

Ang Grand Mosque ay may capacity na 15,000 katao, na kayang mag-accommodate ng malalaking pagtitipon, lalo na sa mga banal na araw tulad ng Eid al-Fitr at Eid al-Adha.

Ipinagmamalaki nito ang mga eleganteng minaret, malaking dome na nakapinta sa kulay ginto, at intricately designed interiors na nagpapakita ng sining at arkitektura ng Islam.

Nakatayo ito sa tabi ng Tamontaka River, na nagbibigay ng magandang tanawin at nagdaragdag sa espirituwal na kahalagahan ng lugar.

Ngayon, ang Grand Mosque ay isang tanyag na destinasyon hindi lamang para sa mga mananampalataya kundi pati na rin sa mga turista na nais makakita ng isang kamangha-manghang gusali at matuto tungkol sa kultura ng Islam sa Mindanao.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *