Pinangunahan ng mga manggagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga ang pagdiriwang ng National Filipino Family Week 2024 sa pamamagitan ng pakikilahok sa Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Ang mahalagang aktibidad na ito ay naglalayong itaguyod ang tradisyonal na salu-salong Pilipino, isang simbolo ng masaya at malusog na pamilya na nagtutulungan para sa kapakanan ng lahat ng pamilyang Pilipino. Sa ilalim ng temang, “Pamilyang Tumutugon sa Pagbabago ng Panahon,” hinihikayat ng DSWD ang bawat pamilya na maglaan ng oras upang magkasama, mag-usap, at magdiwang ng mga simpleng bagay na nagpapalakas ng ugnayan sa loob ng tahanan.

Ang paggunita sa National Filipino Family Week ay itinakda mula Setyembre 23 hanggang Setyembre 27, 2024, at bahagi nito ang pag-promote ng mga aktibidad na makapagpapatibay sa pagkakaisa ng bawat pamilya.

Sa pagdiriwang ng National Filipino Family Week, nawa’y magtagumpay ang layunin ng DSWD na mapatibay ang mga ugnayang pampamilya at mapanatili ang mga tradisyon na nagpapatatag ng ating lipunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *