Davao del Sur- Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI, sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang Turnover ceremony ng seed capital funds sa Madasigong Negosyante sa San Isidro SLP Association sa Brgy San Isidro, Malalag, Davao del Sur nito lamang Hulyo 13, 2023.
Ang livelihood association na binubuo ng 23 miyembro ay nakatanggap ng livelihood grant na nagkakahalaga ng Php345,000.00 para sa general merchandise project nito.
Ang SLP ay naglalayon na mapabuti ang pang-ekonomiyang kagalingan ng mga mahihina, marginalized, at disadvantaged na mga indibidwal at pamilya sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapakilos at pagbibigay kabuhayan sa kanila sa tulong at suporta ng mga local government units at iba pang ahensya ng gobyerno.
Kaya naman lubos ang naging pasasalamat ng mga miyembro ng Madasigong Negosyante sa San Isidro SLP Association dahil malaking tulong ang general merchandise na ipinagkaloob sa kanila ng DSWD XI na siyang daan upang matustusan ang mga pang araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya ng nasabing asosasyon.
Source: DSWD Davao