Cotabato – Kaugnay sa hangarin ni Senator Cynthia at Mark Villar na magsagawa ng malawakang relief operations upang matiyak ang kaligtasan ng pamilyang Pilipino, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng agarang tulong ng kanilang tanggapan.

Sa katunayan nito lamang ika-17 ng Hulyo 2023 ay matagumpay na naipa-abot ang mga relief goods sa lalawigan ng Cotabato kung saan tumanggap ng family food packs at hygiene kits ang mga Kabakeños mula sa mga Barangay ng Cuyapon na may naitalang 653 benepisyaryo; Lower Paatan, 140; Kilagasan, 183; Magatos, 802 at Malanduague na may 68 benepisyaryo. Samantalang, tumanggap naman ng hygiene kits ang 365 na mga benepisyaryo mula sa Barangay Salapungan.

Naisakatuparan ang pamamahagi ng mga relief goods sa libo-libong pamilya sa pamamagitan ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang Gobernador ng Cotabato na si Governor Emmylou Lala J. Taliño-Mendoza.

Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagpapa-abot ng tulong sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *