Davao City- Nagsagawa ng Davao First Responder – Rescue Skills and Obstacle Course Competition ang Pamahalaang Lungsod ng Davao bilang pakikiisa sa National Disaster Resilience Month sa Crocodile Park, Ma-a, Davao City nito lamang Hulyo 19, 2023.
Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pakikipag-ugnayan sa Davao City Sports Development Division ay matagumpay na nasagawa ang nasabing aktibidad.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan din ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils, Office of Civil Defense IX, Bureau of Fire Protection IX, Philippine Red Cross at iba’t ibang responder groups.
Samantala, ang aktibidad ay naglalayong sanayin ang mga manlalahok sa lahat ng uri ng rescue equipment at mahasa ang kanilang kakayahan sa paggamit ng life-saving devices sa panahon ng kagipitan.
Source: City Government of Davao