Amas, Kidapawan City – Nagsagawa ng Medical Mission ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato sa Amas, Kidapawan City nito lamang ika-2 ng Agosto, 2023.
Pinangunahan ni Honorable Emmylou TaliƱo Mendoza, Cotabato Governor, ang aktibidad katuwang ang Integrated Provincial Health Office at Rural Health Unit.
Mahigit 500 na residente ang naging benepisyaryo ng libreng check-up, libreng bunot ng ngipin, libreng gamot at libreng tuli.
Kasabay ng aktibidad ay nagsagawa din ng feeding program para naman sa mga kabataan.
Natuwa naman ang mga residente dahil sa kabila ng nga nararanasan natin na sakuna at pandemya ay patuloy ang kpamahalaan sa paglilingkod.
Ang aktibidad ay nagpapatunay na handang tumulong ang gobyerno pagdating sa pagbibigay serbisyo sa mga kababayan natin na higit na nangangailangan.