Kiamba, Sarangani – Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Sitio Lout, Poblacion, Malapatan, Sarangani Province bandang 5:30 ng hapon nito lamang ika-12 ng Agosto 2023.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Leo’, “Mak-mak”, at “Kamansi” na napag-alamang miyembro ng DGF TALA, FSMR (MN) at pawang mga residente ng Sitio Dlumay, Barangay Upper Suyan, Malapatan Sarangani Province.
Napag-alaman na isinuko rin ng mga komunistang NPA ang isang unit Homemade shotgun.
Samantala, agad naman nakatanggap ng food packs at isang sakong bigas mula kay Mayor George “Jong” Falgui.
Patuloy ang panawagan ng Kiamba PNP at Local Government Unit sa natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimula muli kasama ang kanilang sariling pamilya.