Surallah, South Cotabato- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Sitio Sto Niño, Brgy Centrala, Surallah, South Cotabato bandang 11:30 ng umaga nito lamang ika-14 ng Agosto 2023.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ariane”, 25 anyos, miyembro ng SRC Daguma, Guerilla Front 73, Far South Mindanao Region (FSMR) at residente ng Sitio Sanyag, Brgy Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Napag-alaman na isinuko rin ng komunistang NPA ang isang unit ng KG9 Luger Sub Machine Gun with serial no. 314679 at isang unit ng hand grenade.

Patuloy na man ang panawagan ng South Cotabato PNP sa mga natitra pang miyembro ng NPA na lisanin ang teroristang grupo na walang ibang dala kundi karahasan at terorismo na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran sa ating inang bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *