Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Local na Pamahalaan ng Norala na ginanap sa Purok Lambusong, Barangay Puti, Norala, South Cotabato nito lamang ika- 25 Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Local na Pamahalaan ng Norala katuwang ang Norala Municipal Police Station.

Humigi’t kumulang 500 na punong-kahoy ang naitanim sa nasabing programa.

Hindi lamang naipapakita ang dedikasyon ng Norala PNP sa pangangalaga sa kalikasan kundi pati na rin ang patuloy na suporta sa mga proyekto na magbigay ng kontribusyon sa ecological sustainability upang mapanatili ang kalusugan ng kapaligiran at mabawasan ang negatibong epekto ng climate change.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *