Isinagawa ang isang basic first aid at cardio pulmonary resuscitation (CPR) training ang ginanap ng Kidapawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Barangay San Roque, Kidapawan City nito lamang Enero 18, 2025.
Sa hangarin ng pamunuan ni Cotabato Gov. Lala Mendoza, na maging handa sa anumang kalamidad ang bawat barangay sa lalawigan.
Ito ay dinaluhan ng 45 na mga aktibong barangay officials, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers, Purok Leaders, tanod, mga guro at piling estudyante na naglayong mabigyan ng kasanayan ang mga opisyales at ilang indibidwal sa komunidad upang agarang makaresponde sa panahon ng pangangailangan.
Ang aktibidad ay ginanap bilang pagsuporta na rin sa Executive Order No.70 o whole-of-nation approach kung saan kabilang ang San Roque sa mga benepisyaryo ng programang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

