Panibagong set ng mga solar streetlight ang ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang turnover ceremony nito lamang Enero 19, 2025 na itinayo sa kahabaan ng Poblacion sa Maragusan, Davao de Oro upang magbigay-liwanag sa daraanan ng mga motorista at mga residente.
Ang tagumpay na ito ay alinsunod sa pangako ng Gobernador ng Davao de Oro na si Hon. Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, na pagpapabuti ng imprastruktura bilang isa sa kanyang mga pangunahing prayoridad.
Nakiisa naman sa naturang seremonya si dating Municipal Administrator Jack Jack Cabalquinto-Camillo, na kumatawan kay Mayor Lito Cabalquinto sa seremonya ng turnover, habang si Gng. Nenz Atamosa naman ang dumalo sa ngalan ni Gobernador Gonzaga.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php3,000,000 at itinaguyod ang 42 streetlights upang magbigay-liwanag sa Poblacion ng Maragusan at makakatulong sa pag-iwas sa mga aksidente at pagpapalakas ng kaligtasan.
Makikinabang din ang munisipalidad sa mas mababang bayarin sa kuryente, na malaking tulong upang mas mapangalagaan ang kalikasan.


