Masiglang ipinagdiwang ng mga kalahok, lokal na residente, at mga bisita ang Buling-Buling Festival 2025, taunang okasyon na bahagi ng kapistahan ng Senior Santo Niño tuwing ika-19 ng Enero, na nagsisilbing simbolo ng kanilang pananampalatayang relihiyon.
Kasama sa pagdiriwang, nagpakita ng solidong suporta ang Santo Tomas Municipal Police Station sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang isang maayos at ligtas na kaganapan.



Aktibo rin sa pagtiyak ng seguridad ang mga kasapi ng militar, mga traffic enforcer, at ang Bureau of Fire Protection.
Ang mga pagsisikap na ito ay nagpapakita ng pagtutulungan ng lokal na pulisya at pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko habang nagsusulong ng isang matagumpay at makulay na selebrasyon ng kultural at relihiyosong tradisyon.

