Naging makabuluhan at makulay ang ginanap na Tagum City Athletic Association Meet 2025 na ibinida ang talento at husay ng mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan sa Davao del Norte pagdating sa iba’t ibang larangan ng isports na nagsimula noong Enero 27, 2025.

Ang opening ceremony ay ginanap sa DavNor Sports and Tourism Complex.

Nagpakita naman ng buong suporta ang mga pamilya, kamag-anak, at iba pang mga residente sa mga kalahok.

Isang tampok na bahagi ng unang araw ay ang parada na nagsilbing highlight ng nasabing kaganapan.

Dito, nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa drum and lyre presentation ng mga kasaling paaralan.

Ang makulay na kasuotan at masiglang tugtugin ng mga banda ay nagbigay ng isang masaya at puno ng enerhiyang atmospera, na nagbigay-pugay sa mga kalahok at nagpaalala sa lahat ng kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pag-suporta sa mga lokal na talento.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *