Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Josefina, Zamboanga del Sur nito lamang ika- 27 ng Enero 2025.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Joy” 58 anyos, lalaki at residente ng Purok Binunga, Brgy. Upper, Bagong Tudela, Josefina, Zamboanga del Sur.

Nabatid na ang sumuko ay dating miyembro ng Hingpit Nga Organisadong Masa at District Committee “Junick” Western Mindanao Regional Party Committee.

Agad naman nakatangap ng cash assistance at isang sakong bigas ang sumuko.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *