Tinatayang Php2,362,800.00 halaga ng puslit na yosi ang nasabat ng mga awtoridad sa isang COMELEC checkpoint sa National Highway, Brgy. Poblacion, Makilala, North Cotabato noong Enero 28, 2025.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Mike” 37 anyos at residente ng Barangay J.P. Laurel, Panabo City at alyas “Adzal” 42 anyos at residente ng Brgy, Baliwasan Tabuk, Zamboanga City.

Naharang ng PNP ang dalawang unit ng mini-van na may lamang 2,180 na ream ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php2,362,800.00.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10845 o “Anti-Smuggling Act” at RA 12022 o “Anti-Agricultural Sabotage Act”, ang dalawang suspek.

Patuloy ang pagsiguro ng PNP sa kaayusan at kaligtasan ng publiko mula sa anumang iligal na aktibidad na hadlang sa kaunlaran ng ating bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *