Nasakote ang tinaguriang Top 8 Provincial Most Wanted Person sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok Nazareth Dos, Sitio Nazareth, Brgy. Buenavista, Zambaonga del Sur nito lamang Enero 30, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Quilito” 49 anyos, lalaki, at residente ng naturang bayan.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kaligtasan ng publiko tungo sa pagkamit ng isang maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *