Nasamsam ang tinatayang P12,466,200.00 halaga ng puslit na yosi sa isang COMELEC Checkpoint ng mga otoridad sa Barangay Tiguma, Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Enero 30, 2025.

Ayon sa Pagadian City Police Station, naharang ang isang wing van truck na may plakang CCO 9908 at may lamang tinatayang 150 master cases ng bravo na yosi at nabatid na itinago sa ilalim ng mga sako ng bigas.

Kinilala ang driver na si alyas “Ricky”, 43 anyos, residente ng Barangay Tininghalang, Lapuyan, Zamboanga del Sur at ang pahinante na si alyas “Alvin” 29 anyos, residente ng Tabuan Lasa, Basilan.

Nanawagan naman ang PNP ng tulong at kooperasyon ng publiko upang matigil ang iligal na aktibidad sa komunidad na hadlang sa inaasam na kaunlaran sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *