Narekober ang tinatayang Php9,405,000.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Piksan, Calanogas, Lanao del Sur nito lamang Enero 29, 2025.
Kinilala ang mga suspek na si alyas “Al” at alyas “Nor”, residente ng Tugaya, Lanao del Sur.
Narekober ang 28,500 reams ng puslit na yosi ng PNP at AFP na nagkakahalaga ng Php9,405,000.00 at isang Isuzu Wing Van na ginamit sa transportasyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o “An Act Modernizing the Customs and Tariff Administration” ang mga suspek.
Patuloy ang PNP at AFP sa pagsiguro na walang anumang iligal na kagamitan o aktibidad ang makakapasok sa ating bayan na magdudulot ng kapahamakan sa mamamayan.
