Idinaos ang isang Mass Withdrawal of Support ng 15 tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa Zamboanga Sibugay nito lamang Enero 31, 2025.
Pinangunahan ito ni Engr. Venancio A. Ferrer III, Focal Person ng Provincial Task Force (PTF)-End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Zamboanga Sibugay, at ni Police Colonel Barnatd Danie V. Dasugo, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office.
Ang mga dating tagasuporta ng NPA ay nagsilbing couriers at nagbigay ng mahalagang suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan sa mga miyembro ng grupo.

Sa talumpati ni Engr. Ferrer III, ay nagpahayag ng kanyang papuri sa mga dating NPA supporters dahil sa kanilang matapang na desisyon. Ipinunto rin nito ang iba’t ibang programa ng gobyerno na maaaring makatulong sa kanila, tulad ng kabuhayan, serbisyong pangkalusugan, at iba pang suporta na makakatulong sa kanilang pagbangon.
Samantala, pinangunahan ni Police Colonel Dasugo ang panunumpa ng katapatan sa paglaban sa insurhensya sa rehiyon tungo sa pagkamit ng isang maunlad at payapang bansa.
