Arestado ang isang lalaki sa isinagawang entrapment operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit 10 sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 nito lamang Lunes, Pebrero 3, 2025 sa Brgy. 34, Cogon Cagayan de Oro City.

Kinilala ng Regional Anti-Cybercrime Unit 10, ang naarestong suspek na isang 24 anyos na lalaki at ex-boyfriend ng biktima.

Nabatid na nagreklamo ang biktima na pinagbantaan ng suspek na ikakalat o ipo-post ang mga hubo’t hubad na larawan sa social media kung hindi sumunod sa mga kagustuhan nito.

Kasong paglabag sa Republic Act 9995 o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009” ang kakaharapin ng suspek.

Patuloy ang Cyber Cops sa pagsiguro ng kaligtasan ng bawat Pilipino at nananawagan na maging kaisa sa pagtaguyod ng responsableng paggamit ng internet at cellphone tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *