Timbog ang isang 41-anyos na lalaki na lumabag sa COMELEC gun ban at dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril sa kahabaan ng Daang Maharlika, Brgy. Poblacion, Kidapawan City, Cotabato noong ika-3 ng Pebrero 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Mario”, residente ng Brgy. Indangan, Makilala, Cotabato.
Dinakip si alyas “Mario” dahil walang maipakitang kaukulang dokumento sa isang yunit ng Cal. 45 pistol na may kasamang dalawang magazine at walong bala.
Kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay sa COMELEC Gun Ban ang isinampang reklamo laban sa suspek.