Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa mga hindi kilalang suspek sa Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao del Sur nito lamang ika-4 ng Pebrero 2025.
Ayon sa pulisya, pinaniniwalaang hinoldap pa ang biktima bago binaril dahil nawawala ang motorsiklo, gamit at cellphone.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Mamasapano PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at mahuli ang mga responsable sa krimen.
Pinapayuhan naman ang sinumang may impormasyon kaugnay sa insidente na agad ipagbigay-alam sa pulisya upang mapabilis maresolba ang naturang insidente ng pamamaril.