Sector
Pinagtibay sa pamamagitan ng pagpulong ng Lokal na Pamahalaan ng Isabela de Basilan sa pamumuno ni Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman at ang City Agriculture Office upang ang agricultural productivity ng fishery at coffee sector sa lungsod at iba pang mga mahahalagang paksa na may kaugnayan sa agrikultura noong Pebrero 21, 2025.
Tinalakay ang mga naging resulta sa inilunsad na Fisherfolk Summit noong Setyembre ng nakaraang taon partikular ang mga isyu at concerns ng mga mangingisda mula sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod.
Bahagi rin ng nasabing pagpupulong ang inaprubahang fisheries program para sa taong 2025 at ang nakalaang mga interbensyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IX.
Iprinisenta naman ang imbentaryo ng mga binhi para sa coffee sector kung saan tinatayang nasa higit 20,500 coffee seedlings ang naipamahagi sa 47 coffee growers sa lungsod kumpara sa dating bilang na nasa 15 lamang.
Ipinapakita mula sa nasabing bilang ang mas pinagtibay na suporta ng lokal na pamahalaan para sa industriya ng kape sa lungsod ng Isabela.
Nagpapatuloy ang naturang LGU sa pagbibigay ng suporta sa mga naturang sektor para pagtibayin pa ang agricultural productivity, mapalakas ang mga lokal na komunidad, at makabuo ng pangmatagalang pag-unlad at katatagan.
