Tiklo ang isang 20 anyos na binata at tinaguriang Top 2 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Rape sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Muruc, Brgy. Pasonanca, Zamboanga City nito lamang Peberero 20, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Kris”, 20 anyos, lalaki at residente ng naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko at may layunin na ilagay sa likod ng rehas ang mga taong may sala sa batas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *