Narekober ng mga awtoridad ang 250 reams ng puslit na yosi sa isinagawang checkpoint operation sa San Pedro, Tungawan, Zamboanga Sibugay noong Pebrero 22, 2025.

Nabatid na naharang ng PNP ang isang Hyundai silver sedan na may plakang LAG 2901 na nanggaling sa Zamboanga City at patungo sana sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang may-ari ng sasakyan na si alyas “Al”, 21 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Santa Barbara, Zamboanga City.

Nakumpiska ang sigarilyo na binubuo ng 246 reams ng New Berlin (pula) at apat na reams ng Cannon menthol na may kabuuang halaga na tinatayang P286,500.00.

Ang PNP ay masigasig sa kampanya laban sa anumang uri ng iligal na aktibidad upang masiguro ang isang maayos at payapang pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *