Ang Pangadilan Falls ay isa sa kamangha-manghang ganda na nagtatagong paraiso na may napakagandang rock formations na matatagpuan sa Barangay Polomolok, Columbio, Sultan Kudarat.
Ang tubig nito ay bumabagsak sa mga kakaibang hugis ng bato, kabilang na ang ilang pormasyon na kahawig ng higanteng kabute.
Maaaring mag-swimming sa malamig at malinaw nitong tubig o kaya naman ay mag-relax habang pinagmamasdan ang tanawin.
Ngunit dapat mag-ingat sa paglalakad sa mga bato dahil maaaring madulas o hindi pantay ang mga ito.
Kung naghahanap ka ng adventure at gusto mong tuklasin ang mga likas na yaman ng Southern Mindanao, tiyak na magugustuhan mo ang mga talon ng Pangadilan Falls.
Photo courtesy: On the go travellers
