Nasakote ang tinaguriang Commander ng New People’s Army (NPA) sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Doña Andrea, Asuncion, Davao del Norte nito lamang Pebrero 23, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jerry”, 39-anyos tubong Veruela, Agusan del Sur.
Ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa natitira pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.