Opisyal nang binuksan ang tatlong araw na Guhit Kamay 2025 na sinalihan ng 50 kabataang artista na ginanap sa Panabo Museum, Panabo City, Davao del Norte nito lamang ika-23 ng Pebrero, 2025.

Ang kaganapang ito ay pinangunahan ni Guhit Kamay Founder Ju Reina Cimafranca, at sinuportahan ng LGU Panabo sa pamamagitan ng City Tourism Section bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month 2025.

Ang exhibit ay nagbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na ipakita ang kanilang talento at mapansin ang kahalagahan ng sining sa buhay at komunidad.

Higit pa rito, ang kaganapan ay nagbigay-diin sa pagpapalakas ng kultura ng sining sa lungsod, at nagbigay inspirasyon sa iba pang kabataan na magtaguyod ng kanilang sariling likha at pagpapahayag sa pamamagitan ng sining.

Ang suporta ng LGU Panabo at ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan ay nagpapakita ng halaga ng kolaborasyon ng mga lokal na awtoridad, komunidad, at mga artistang kabataan sa paglikha ng isang masining at mas malikhain na kapaligiran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *