Agarang rumesponde ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office sa kanilang layuning protektahan ang komunidad at tumugon ng mabilis sa lahat ng uri ng emergency.

Patunay rito ang agad na pagtugon sa nangyaring elevator malfunction sa Lyceum of the Philippines University Davao nito lamang ika-21 ng Pebrero, 2025.

Nabatid na na-trap ang limang estudyante dahil sa elevator malfunction.

Pagdating ng Urban Search and Rescue (USAR) team, mabilis sinuri ang sitwasyon at nakipagtulungan sa mga staff ng paaralan upang matiyak ang isang ligtas at maayos na rescue operation.

Sa ganitong mga pagkakataon, ang mabilis na tugon at ang pagiging handa ng mga kawani ng Davao CDRRMO ay nagsisilbing modelo ng mahusay na serbisyo sa komunidad, at patuloy na pinapakita ang pangako na protektahan at paglingkuran ang kanilang nasasakupan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *