Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang flood control project sa may Salug Diut River sa Barangay Tungawan sa bayan ng Tambulig sa lalawigan ng Zamboanga del Sur nito lamang Marso 1, 2025.

Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH-9, nakatuon ngayon ang DPWH sa pagtatayo ng mga disaster-resilient infrastructure sa rehiyon para sa kaligtasan at kapakanan ng komunidad, at mapangalagaan ang buhay at propyedad ng mamamayan laban sa masamang epekto ng natural na mga kalamidad.

Ang konstruksyon ng higit sa 200 metrong dike ay pinangasiwaan ng DPWH-Zamboanga del Sur 1st District Engineering Office.

Nababawasan din nito ang tama ng mapangwasak na baha na sumira ng mga kabahayan at mga palayan sa makalipas na panahon.

Habang ang alokasyon ng proyekto ay hinatak naman ng DPWH-9 mula sa General Appropriations Act of 2024.

Ang dike ay nagbigay rin nang matibay at maaasahang depensa laban sa pagtaas ng tubig baha sa lugar.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *