Hindi maitago ang kasiyahan at sigla ng mga estudyante mula sa New Kapatagan National High School at New Kapatagan Elementary School sa bayan ng Monkayo habang tinatanggap ang Financial Assistance na ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro nito lamang Marso 19, 2025.

Umabot sa 619 na estudyante ang nakinabang mula sa financial assistance na ipinagkaloob sa ilalim ng pamumuno ni Governor Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, bilang suporta sa kanilang mga pangangailangan sa paaralan.

Ang programang ito ay isa lamang sa mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro upang patuloy na mapalakas ang kalidad ng edukasyon sa buong probinsya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *