Narekober ang walong iba’t ibang uri ng mataas na kalibreng ng baril at mga bala mula sa isang lalaki sa ikinasang search warrant operation ng mga awtoridad sa Barangay Zambowood, Zamboanga City nito lamang madaling araw ng Mayo 1, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joey,” 59-anyos, residente ng naturang lugar.

Narekober ng mga awtoridad ang isang Colt .45 pistol na may magazine at bala, isang P14 .45 pistol na may magazine at bala, isang Armscor .45 pistol na may magazine at bala, isang .32 pistol na may magazine at bala, isang .25 pistol na may magazine at bala, isang Intratec 9mm Luger na may magazine at bala , isang Cobray M-11 9mm na may magazine at bala, isang M1 Carbine na may magazine at bala, isang Armscor air rifle na walang magazine at bala, isang sirang air rifle na walang magazine at bala.

Patuloy ang kampanya ng PNP laban sa mga loose firearms upang masiguro ang maayos na election ngayong darating na Mayo 12 at mapanatiling ligtas ang komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *