Pinasinayaan ang mga bagong pasilidad tulad ng Police Clearance Office, Mess Hall, at Prayer Room ng himpilan ng Matanog Municipal Police Station sa Matanog, Maguindanao del Norte nito lamang Mayo 1, 2025.

Pinangunahan ang seremonya nina Kgg. Zohria Saglayan Bansil- Guro, Municipal Mayor ng Matanog, at Kgg. Sanaira Ibay Ali Imam, Vice Municipal Mayor, kaiisa si Police Colonel Eleuterio M Ricardo Jr. Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, at ibang personahe ng Matanog MPS.

Nabatid na malaki ang tulong nito sa mga mamamayan ang bagong Police Clearance Office upang mas mabilis at maayos na pagproseso ng mga dokumento.

Samantala, ang Mess Hall at Prayer Room ay magsisilbing suporta sa pisikal at espiritwal na pangangailangan ng mga kapatid nating Muslim, pulis at staff.

Ito ay hakbang ng pamahalaang lokal upang palakasin ang kapabilidad ng kapulisan at pinagtibay ang ugnayan ng publiko tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *