Isinagawa ang Simultaneous Peace Caravan for 2025 National and Local Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao nito lamang ika-1 ng Mayo 2025.

Ang naturang aktibidad ay suportado ng COMELEC BARMM katuwang ang PRO BAR, iba’t ibang Security Sectors, Religious Sectors, Non-Government Organizations at Civil Society Organizations.

Nagdaos ng isang Peace Caravan Parade na nagpapakita sa lakas at pagkakaisa ng bawat sektor ng pamahalaan na may layuning itaguyod ang isang mapayapang Halalan, kasabay nito ang pagpapalipad ng mga kalapati na sumisimbolo sa kapayapaan, pagkaakisa, pag-asa at bagong simula.

Ang PNP ay tapat sa tungkulin na tiyaking payapa, ligtas at malinis ang proseso ng halalan sa BARMM sa tulong ng mamamayan at iba’t ibang sektor sa lipunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *