Kinilala ng Department of Education o DepEd – General Santos City ang mga mahalagang kontribusyon ng mga stakeholder nito kabilang ang General Santos City Police Office sa pagsusulong ng paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa mga Kabataang Heneral sa ginawang 10th Pagpupugay Para sa Kaagapay sa Greenleaf Pavilion, Greenleaf Hotel, Gen. Santos City nito lamang ika-6 ng Mayo 2025.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mahigit 50 na mga stakeholders kabilang na ang General Santos City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Nicomedes P Olaivar, City Director.

Pinasasalamatan ng panauhing pandangal na si Ismael N. Ngitngit, Jr., DepEd R12 Regional Focal Person sa SocMob ang mga dumalong stakeholders sa pagiging bahagi ng edukasyon ng mga Batang Heneral at walang sawang pagsuporta nito sa mga programa ng DepEd.

Itinatampok ng pagkilalang ito ang hindi natitinag na pangako ng General Santos City PNP sa pagpapaunlad ng matibay na pakikipagtulungan sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng edukasyon at pagbibigay-kapangyarihan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *